PITONG HULING WIKA
1. [Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] at nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang kautusan ang mapupunta sa isa’t isa.
Lucas 23:34
2. Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.
Lucas 23:43
3. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
Juan 19:26-27
4. Nang mag-ikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lama sabachthani?” Ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?
Mateo 27:46/Marcos 15:34
5. Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!”
Juan 19:28
6. Nang masipsip ni Jesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
Juan 19:30
7. Sumigaw ng malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.
Lucas 23:46
No comments:
Post a Comment